OUR TEACHERS. OUR HEROES.

 
Sa likod ng bawat matagumpay na tao ay isang mabuting guro. Kaya naman sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Guro, ini-alay ko ang post na ito bilang pasasalamat sa lahat ng mga guro.


Sa gitna ng kanilang teaching load ngayong pandemic, sa likod ng kanilang mga ngiti, may kanya-kanya silang laban sa buhay na hindi natin alam.





Isang halimbawa ang kwento ni Teacher Buenalice Balungay mula sa Nalilidan Elementary School, Sultan Kudarat. Si Teacher Buenalice ang tumatayo bilang breadwinner ng kanilang pamilya. Dahil sa Teacher’s Loan ng BDO Network Bank, natupad niya ang kanilang mga pangarap: napag-aral niya ang kaniyang mga kapatid, nabibili niya ang mga kailangang gamot ng kanyang mga magulang, nakapagsimula siya ng munting negosyo, naipagawa niya ang kanilang bahay, at nakapag-aral siya ng Masters.


Kaya sa selebrasyon ng Teacher’s Month, pasalamatan natin ang mga guro at ipakita natin ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng pag-tag sa kanila sa seksyon ng komento, pagbabahagi ng inyong mga alaala sa kanila, at pag-post sa inyong mga feeds at timelines gamit ang hashtag na #ThankYouTeacher.


Para sayo aking guro noong Grade 5, Mrs. Cabugsa, ikaw ang hindi ko makakalimutan dahil ikaw ang masasabi kong striktong guro dahil inaasahan mong magtagumpay ako, at ito ang nag-udyok sa akin na patuloy na subukan hanggang sa magawa ko ang nais na ipagawa mo. Mataas ang ekspektasyon mo sa akin dahil naniniwala ka sa aking kakayahan. Salamat sa lahat ng mga aralin na itinuro mo sa akin. Naaalala ko sila at ikaw magpakailanman. 

At sa lahat ng mga pinakamamahal naming guro, Happy Teacher's Month! 

Maraming Salamat po! 

#ThankyouTeacher BDO Network Bank PH
 
 
 


Popular posts from this blog

Kaamulan Festival 2023 Schedule of Activities

Impulsive Christmas Shopping

Explore Bukidnon: Popular Places To Visit in Bukidnon